CAUAYAN CITY- Muling binigyang diin ng Department of Labor and Employment na hindi ipapagamit ang kanilang programang TUPAD sa pamumulikita at epal na kandidato.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Froctoso Agustin ng DOLE Quirino Provincial Head, sinabi niya na alam naman ng mga kandidato sa Lalawigan ng Quirino na mahigpit nilang ipinagbabawal ang anumang exposure sa pamamahagi ng mga programa ng DOLE gaya ng TUPAD, Payout at Livelihood Programs.
Aminado siya na bagamat hindi maiwasan ang mangilan-ngilang politiko na nagpapahiwatig ng pagnanais na sumama sa mga isinasagawang aktibidad ng DOLE ay hindi sila nagpapatinag dahil sa malinaw na mandato sa kanila ang COMELEC na hindi magpagamit sa pamumulitika.
Sa katunayan ay katatapos lamang ng kanilang awarding para sa mga PDL’s sa Lalawigan ng Quirino in collaboration with DOLE, LGU Cabarroguis at BJMP maging Quirino State University at walang mga politiko ang namataan sa naturang programa.
Maliban sa mga programa ay mahigpit ring ipinagbabawal ang anumang exposure ng anumang Election Paraphernalia ng mga politiko sa mapipiling venue ng DOLE para sa kanilang programa.