--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinag-aaralan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kahilingan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) na hindi mandatory ang pagbabayad ng contributions sa Social Security System (SSS).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na isa na itong batas kayat marapat lamang na magbayad ang mga OFW’s sa kanilang contributions.

Nauna rito ay nagrereklamo ang mga OFW dahil sila lamang ang nagbabayad ng kanilang contribution dahil tumatanggi namang magbayad ang kanilang mga employer sa ibang bansa maging ng kanilang recruitment agency.

Sa ngayon aniya ay pinag-aaralan na ng DOLE ang implementing guidelines dahil kailangang magkaroon ng share ang kanilang employer o recruitment agency.

--Ads--