--Ads--

CAUAYAN CITY – Agad na umaksiyon at nagpalabas ng compliance order si Labor Secretary Silvestre Bello III sa may-ari ng isang shopping center na inireklamo ng umaabot sa tatlumpong manggagawa na hindi pa binigyan ng13th month pay at natitirang sahod para sa buwan ng Disyembre 2018.

Ipinag-utos ng DOLE ang pagbabayad ng employer ng umaabot sa 400,000 pesos na benepisyo ng mga manggagawa.

Napamura sa galit si kalihim Bello matapos na iparating sa kanya ng Bombo Radyo Cauayan ang reklamo ng mga manggagawa ng ECC EnjoyShopping Corporation.

Kahapon ay tumawag ng mga pulis ang ilang kawani ng ECC Enjoy Shopping Corporation matapos silang sigawan at murahin ng tagapamahala nito nang hilingin nila na ibigay ang kanilang 13th month pay at sahod.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa isang manggagawa, sinabi niya natuklasan ng ilan nilang kasama nang mag-verify sila sa SSS at Philhealth na hindi nai-remit ang mga kinaltas sa kanila at wala rin sa minimum wage ang kanilang sahod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, napamura sa kanyang galit si kalihim Bello nang malaman na maging ang kontribusyon sa SSS ng mga kawani ng ECC ay hindi nai-reremit.

May criminal liability aniya ang mga namamahala sa establisimiento. Hindi niya papayagan na pagsamantalahan ng mga employer ang kahirapan ng mga manggagawa.

Si Labor Sec. Silvestre Bello sa naging panayam ng Bombo radyo Cauayan.

Sinikap ng Bombo Radyo Cauayan na kunin ang pahayag ng tagapamahala ng shopping Center na si Anthony Sy ngunit tumangging magbigay ng pahayag dahil hindi siya marunong magsalita ng Tagalog.