
CAUAYAN CITY – Gumagawa na ng hakbang ang Department of Labor and Employment o DOLE region 2 upang mabigyan ng trabaho ang mga graduate ng K-12 sa mga ginaganap na Job Fair sa lambak ng Cagayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni information officer Chester Trinidad ng DOLE region 2 na nagtutungo sila sa mga paaralan upang magbigay ng kaalaman ukol sa labor and employment at kung ano ang magiging karapatan ng isang manggagawa.
Ito ay para mabigyan ng kaalaman ang mga graduates ng K-12 sa kanilang mga karapatan kapag sila ay nagtatrabaho na.
Aniya, lahat ng job openning sa ikalawang rehiyon ay nasa data base ng DSWD na maaring tingnan ng mga job seekers.
Hinihikayat nila ang mga employers na maglaan ng trabaho para sa mga K-12 Graduates at umaasa sila na mas marami pang positions ang kanilang iaalok.
May mga Senior high school graduates naman aniya ang nagkaroon ng trabaho sa ginanap na Job Fair noong Labor Day, unang araw ng Mayo.
Tinitiyak din nila ang pakikipag-ugnayan sa mga Local Government Units upang matugunan ang pangangailangan ng trabaho ng mga K-12 Graduates.









