--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbabala ang Department of Labor and Employment sa mga employer na hindi nagbibigay ng tamang benepisyo sa kanilang mga manggagawa at hindi rin nakapagbigay ng 13th month pay na sila may maaaring mapatawan ng kaukulang parusa kung sila ay mapapatunayang lumalabag sa batas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DOLE Regional Director Jesus Elpidio Atal sinabi niya na dapat na bayaran ng mga employer ang bawat benepisyo ng mga manggagawa at kabilang dito ang pagbibigay ng 13th month pay.

Aniya batay sa inilabas nilang abiso alinsunod sa batas ang 13th month pay ay dapat ibigay on or before december 25, 2023.

Giit niya na may karapatan na dumulog sa kanilang tanggapan ang mga manggagawa na hindi nakatanggap ng kanilang benepisyo at 13th month pay para magawan ng aksyon at makapag sagawa sila ng inspection.

--Ads--

Paglilinaw niya na kung walang dududlog at mag rereklamo ay hindi sila mabibigay ng pahintulot na makapag sagawa ng inspection.

Idinagdag pa ni Regional Director Atal na may proseso silang susundin sa pagpapataw ng parusa sa mga delinkwenteng employer na bigong ibigay ang tamang benepisyo ng kanilang mga mangagawa.

Una sila ay mabibigayan ng permiso na mag sagawa ng inspection oras na sila ay makatanggap ng reklamo.

Ang pagsusuri ay isasagawa ng labor inspector na siyang mag bibigay ng kaniyang observation, kung mapatunayan  na walang binayaran ang employr ito ay kanilang ipapatawag.

Dito na magsasagawa ng hearing kung saan ipapabayad sa employer ang lahat ng benepisyong hindi nito nabayaran at kung hindi parin makapag bayad ay maaari nilang kunin ang property at bank account ng employer para mapunan ang nawalang benepisyo ng empleyado.

Sakatunayan nitong  nakalipas na taon ay nakapag tala na rin ang DOLE Region 2 ng mga employer na may higit sampung empleyado na hindi tumatalima sa Labor Standard.

Sa katunayan aniya ay nasa higit isang daan ang bilang ng mga employer na nabigyan na nilang writ of execution.