--Ads--

May paalala ngayon ang Department of Labor and Employment o DOLE Region 2 kaugnay sa tamang sahod ngayong sunod sunod ang mga holiday.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Dionisio Verzola Jr. Senior Labor Employment Officer Head sa Labor Standards Unit ng DOLE Region 2 sinabi niya na nakapaglabas na ang ahensya ng labor advisory no.4 kaugnay sa tamang sahod ng mga manggagawa sa April 1, 9,17, 18, 19 na pawang mga holiday sa buwan ng Abril.

Aniya kapag pumasok ang manggagawa sa nasabing mga araw ay doble ang sahod o double pay maliban sa April 19 na special non-working day ngunit kung pumasok pa rin sila sa nasabing araw ay double pay at may additional na 30% sa kanilang daily wage.

Sakali namang hindi tumugon sa tamang pasahod ang mga employer ay maaring idulog ito ng manggagawa sa kanilang tanggapan para sa pagbibigay ng sanction.

--Ads--

Isa aniya sa kanilang tinitingnan kapag sila ay nagsasagawa ng routine inspection sa mga negosyo sa rehiyon ang pagbibigay ng tamang pasahod at benepisyo ng employer sa kanilang mga empleyado.

Binibigyan naman ng dalawampung araw ang empleyado na ayusin ang isyu at kung hindi pa rin ito tumugon ay dito na maglalatag ng compliance order at writ of execution ang ahensya.