CAUAYAN CITY – Sinimulan na ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 2 ang pamamahagi ng livelihood program para sa mga transport workers na nawalan ng hanap buhay dahil sa pandemiya at modernisasyon sa transportasyon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Froctoso Agustin ang DOLE Isabela supervising Labor and Employment Officer, sinabi niya na umarangkada na ang pamamahagi nila ng livelihood assistance para sa mga transport workers sa Lalawigan ng Isabela.
Sinabi niya na 20221 nang simulan ang programa para magbigay ng tulong sa mga transport workers nang magsimula ang pandemiya dahil sa kawalan ang mobility o transportasyon.
Naging katuwang ng DOLE ang LTFRB at DOST ay nailunsad nila ang pagkakaloob ng livelihood programs and assistance para sa mga naapektuhang mangagawa sa trasnportasyon para magkaroon ng pangkabuhayan.
Kabilang sa mga naibigay ng DOLE ang negosyo packages lalo at karamihan sa mga benepisyaryo ng programa ay apektado dn ng modernization program.
Bago naman ibigay ang tulong mula sa DOLE ay sumasailalim sa training ang mga benepisyaryo para mabigyan sila ng sapat na kaalaman sa pagpasok sa negosyo.
Itinuturo rin ang mga kailangang impormasyon para malaman nila kung magkano ang kita, gastos sa produksyon at total expences sa pinasok na negosyo.
Dahil sa dami ng mga naapektuhang transport workers sa bansa na naapektuhan ng pandemiya ay nagkalikha ang DOLE ng higit dalawang batch para sa programa.
Kung saan sa kabuuang 317 transport workers sa Isabela ay nakatanggap ng 29,444 worth ng livelihood packages.











