--Ads--

Agad na tinugunan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang reklamo ng isang empleyado na umano’y minaltrato ng kaniyang employer sa pinagtatrabahuhan nitong gasolinahan sa Bayombong Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SEnA Desk Officer Charmaine Joy Gonzalez, sinabi niya na dumulog ang naturang empleyado sa kanilang himpilan matapos umano siyang sigawan ng kaniyang boss sa trabaho na nakapag-bawa ng kaniyang dignidad.

Maliban dito ay nakitaan din ng ilan pang paglabag ang naturang employer gaya na lamang ng hindi pagbabayad ng huling sahod, hindi paghuhulog sa SSS at Philhealth, walang rest day, illegal deduction of wages, hindi pag-isyu ng certificate of employment, at ilan pang paglabag sa labor code.

Ayon sa ulat, kabilang sa mga paglabag ng ilang establisimyento ang hindi pagbabayad ng 13th month pay, wage differentials, final pay, overtime pay, retirement pay at illegal deduction o pagbabayad ng company uniform. Mayroon ding mga manggagawang hindi nabigyan ng Certificate of Employment (COE), na mahalagang dokumento para sa pag-aaplay ng bagong trabaho.

--Ads--

Ayon kay Provincial Director Elizabeth Martinez ng DOLE Nueva Vizcaya, inakasyunan nila ang naturang reklamo sa pamamagitan ng Single Entry Approach Program (SEnA) kung saan inaayos ang isyu sa pagitan ng manggawa at employer sa pamamagitan ng mediation conciliation isinasagawa sa SEnA Conferrence.

Dito iniisa-isa ang mga reklamong inihain ng complainant at napag-uusapan ang mga kaukulang solusyon para rito.

Bagama’t mag-isa lamang ng complainant na nagreklamo laban sa pinagtrabahuhan nitong kumpanya, nabanggit nito na mayroon pa din siyang mga kapwa empleyado na nauna na ring nagresign dahil sa hindi maayos na pagtrato ng kanilang employer.

Ayon kay Martinez, dalawampu’t pitong manggagawa mula sa 13 establisimyento sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ang nakatanggap ng kabuuang ₱407,552 na hindi nabayarang sahod at iba pang benepisyo matapos maresolba ang kanilang reklamo sa pamamagitan ng Single-Entry Approach (SEnA) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Enero at Pebrero 2026.

Ayon sa ulat, kabilang sa mga paglabag ng ilang establisimyento ang hindi pagbabayad ng 13th month pay, wage differentials, final pay, overtime pay, retirement pay at illegal deduction o pagbabayad ng company uniform.

Mayroon ding mga manggagawang hindi nabigyan ng Certificate of Employment (COE), na mahalagang dokumento para sa pag-aaplay ng bagong trabaho.

Hinimok din ng DOLE ang mga manggagawa na huwag mag-atubiling lumapit sa kanilang tanggapan kung may mga hinaing o paglabag sa labor standards, upang agad itong maresolba sa ilalim ng SEnA at maiwasan ang mas mahabang proseso ng paglilitis.

Patuloy naman ang paalala ng ahensya sa mga employer na sumunod sa mga probisyon ng Labor Code, lalo na sa tamang pagbabayad ng sahod at benepisyo, upang maiwasan ang mga reklamo at mapanatili ang maayos na operasyon ng kanilang mga negosyo.