--Ads--

CAUAYAN CITY- Kontento si Department of Labor and Employment o DOLE Secretary Silvestre Bello III sa paghahanda ng provincial government ng Isabela sa paghahanda sa bagyong Ompong sa kanyang pagtungo sa kapitolyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni DOLE Secrteray Bello na nakahanda na ang mga relief goods na naipamahagi na sa mga apektadong residente bukod pa sa mahigit 9,000 food pack na naka-preposition.

Sinabi pa ni Kalihim Bello na mayroon ding mga sapat na gamot sa mga pampublikong pagamutan.

Nanawagan si Secretary Bello sa mga mamamayan na makipagtulungan sa mga opisyal ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

--Ads--

Sinabi pa ni Secretary Bello na galing na rin siya sa lalawigan ng Cagayan at kanyang nakita ang kahandaan ng mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan maging ang mga kagamitang na magagamit sa panahon ng kalamidad ay nakahanda na rin.

Si Secretary Bello ay nag-iikot ngayon sa region 2 batay na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte para matiyak na maiparating ang mga kaukulang tulong sa mga maapektuhan ng bagyong Ompong.