--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III tutulungan nila ang mga Overseas Filipino Workers na naapektuhan ng pananalasa ng Cyclone Amphan sa India at Bangladesh.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Kalihim Bello na dahil walang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa nasabing dalawang bansa ay ipapadaan nila ang tulong sa Department Foreign Affairs (DFA).
Magkakaloob ang DOLE ng financial assistance sa mga OFW na naapektuhan ng Cyclone Amphan at ang mga nais nang umuwi ay magbibigay ang DOLE ng reptriation assistance.
Nilinaw ni Kalihim Bello na ang maaari lamang na bigyan ng tulong ay ang mga documented Ofw’s habang ang mga undocumented ay tutulungan ng DFA.
--Ads--




