--Ads--

CAUAYAN CITY – Aprubado na ang Memorandum of Agreement (MOA) sa mga DOST funding project sa ilang NPA infiltrated area sa anim na bayan sa lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Lucio Calimag ng DOST Isabela, sinabi niya na maliban sa MOA ay nagpalabas na rin ng pondo para sa iba pang proyekto ang naturang tanggapan.

Ilan sa mga nagpalabas na ng pondo ay ang LGU San Mariano patungo sa 95th Infantry Battallion, Philippines Army at sa Mobile Force Company na nakahimpil sa nasabing bayan.

Una na rin silang nagsagawa ng training sa banana processing sa tulong ng 95th IB at pangunahin sa kanilang nagawa ay banana chips at banana vinegar.

--Ads--

Ayon kay Provincial Director Calimag, maliban sa San Mariano ay may mga DOST funded project din sa Jones, Echague, City of Ilagan at Lunsod ng Cauayan.

Sa ngayon ay patuloy ang kanilang monitoring sa paglakad ng mga papeles ng naturang mga proyekto upang mapabilis ang proseso.

Ikinatuwa rin niya ang maagang pag-apruba sa naturang mga Memorandum of Agreement dahil una nilang puntiryang matapos ito sa buwan ng Hulyo.

Ang mga benipisaryo ng naturang mga proyekto ay mga rebel returnee, kababaihan at mga barangay na dating pinamugaran ng New Peoples Army (NPA).

Tinig ni Provincial Director Lucio Calimag ng DOST Isabela.