--Ads--

CAUAYAN CITY – Makikibahagi ang  Department of Science and Technolody o DOST  Isabela at pamahalaang  Lunsod ng Cauayan  sa   clinical trials   ng Ivermictin na  para sa mga COVID-19 patients.

Ito ay bukod pa sa clinical trials ng Virgin Coconut Oil na maganda ang kinalabasan kung saan mabilis na gumaling  ang mga may mild  condition.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Director Lucio Calimag ng DOST Isabela na  ang isasagawa ang research and development sa paggamit ng Ivermictin  ng mga  Medical Students ng ISU System sa tulong ng LGU Cauayan City.

Mayroon ding mga Volunteer Doctor ang sumali sa research at pag-aaral    na sinusubaybayan ni Dr Jaime  Montoya, Executive Director, Council for Health Research and Development.

--Ads--

Mayroon ding mga  pagamutan dito sa Isabela ang nakipag-collaborate sa clinical trials ng Ivermictin  sa mga  COVID-19 patients  na papayag sumailalim sa clinical trial.

Marami anya ang kailangang pasyente para sa clinical trials ng ivermictin.

Mayroon anyang terms and conditions o procedure sa mga sasailalim sa clinical trials  para makumbinsing sumali ang mga COVID-19 patients.

Samantala, mayroon ding isinusulong ang  DOST  na pagtatayo ng  Virology Laboratory  para magkaroon ng sariling vaccines at balak itong ipatayo sa Clark, Pampanga.

Ang bahagi ng pahayag ni Provincial Director Lucio Calimag ng DOST Isabela.