Maglalabas na ng El Niño Advisory sa susunod na Linggo ang weather bureau dahil umabot na sa mahigit 80% ang probability.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Chief Meteorologist Ramil Tuppil ng DOST PAG-ASA Echague na maari na ring maranasan ang El Niño sa bansa sa mga susunod na araw.
Mayroon anyang criteria na kanilang sinusunod sa El Niño watch at noong buwan ng Mayo ay umabot sa 55% probability at noong umabot sa 70% probability ay naglabas sila ng El Niño alert.
Ngayong umabot sa mahigit 80% probability ay maglalabas sila ng El Niño advisory sa susunod na linggo.
Kapag naglabas na sila ng El Niño Advisory ay maglalabas din sila ng mga lugar na maapektuhan ng inaasahang dry spell at drought.
Maituturing na dry spell kapag isa hanggang dalawang buwan na walang pag-ulan habang ang tagtuyot o drought ay aabot sa tatlo hanggang apat na buwang walang pag-ulan.