CAUAYAN CTY- Umabot sa animnapung mga pulis ang nagsipagtapos ng training bilang Tourist Police ng Lalawigan ng Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Department of Tourism Regional Director Dr. Troy Alexander Miano sinabi niya na may mga trained Tourist Police na ang Cagayan Valley .
Una rito ay nag request sila ng training para sa Tourist Police katuwang ng DOT ang Police Regional Office 2 o PRO 2 para sa pagsasanay kabilang ang hospitality training.
Layunin ng programa na ito ng DOT ang pakikipag ugnayan sa pulisya para matiyak ang seguridad sa bawat tourist attraction sa buong bansa.
Ayon kay Dr. Miano na nakapahalaga ng tungkulin ng bawat Tourist Police dahil sa ang mga pulis na maitatalaga sa bawat bayan ay residente din ng naturang mga lugar para matiyak na may sapat silang kaalaman sa tourist destination kung saan sila naitatalaga.
Samanatala, nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng mga bumibisita na mga turista sa Lambak ng Cagayan.
Ang tuloy tuloy na paglobo ng bilang ng mga turista sa bansa ay resulta parin ng dalawang taong pandemiya noong 2020.
Ilan sa mga dinarayo ngayon sa Isabela ay ang mga bayan ng Dinapigue, Palanan, Divilacan at Maconacon.