CAUAYAN CITY – Pinaghahandaan na ng Department of Tourism Region 2 ang dagsaan ng mga turistang bibisita sa Lambak ng Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DOT Regional Director Dr. Troy Alexander Miano, sinabi niya na binbantayan nila ang tourist arrivals dahil sa inaasahang pagdami ng mga turistang magtutungo sa Region 2 ngayong holiday.
Katuwang nila sa monitorng ang mga Municipal and Provincial Tourism Offices.
Batay sa kanilang datos unang dinadagsa ng mga turistang Kristyano at Katoliko ang mga lumang simbahan para sa Visita Iglesia.
Kabilang sa mga historical churches sa Region 2 ay ang Our Lady of Piat sa Piat, Cagayan at mga minor Churches sa Lal-lo, Rizal, Pamplona, Tuguegarao City at Gattaran.
Sa Isabela nangunguna ang National Shrine of Our Lady of the Visitation of Guibang sa Bayan ng Gamu, St. Michael Cathedral, mga lumang simbahan ng San Pablo, Tumauini at Alicia, sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya kung saan dinarayo ang Cathedral ng Bayombong, at ang lumang simbahan ng Dupax.
Tinutungo rin ng mga deboto ang Stations of the Cross sa Cordon, Hacienda De San Luis, at ang Prayer Mountain sa Lungsod ng Ilagan.
Aasahang tutunguhin din ng mga turista ang mga ilog pangunahin ang Abuan River, Magat River at Cagayan River.
May mga naitalaga namang DOT staff sa lahat ng paliparan sa Region 2 partikular sa Basco airport, Tuguegarao airport at Cauayan airport.
Samantala, may paglilinaw ang DOT Region 2 sa ilang usapin kaugnay sa pagsasara ng ilang tourist destination na sakop ng LGU dahil sa preservation at pangangalaga sa kalikasan para maiwasan ang maabuso ng mga local tourist.
Ayon kay Dr. Miano ang mga maliliit na tourist destination ay kadalasang nireregulate ng mga Local Government Unit at anumang iregularidad ay mandato ng LGU na pangalagaan ito.











