--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinikayat ng Department of Tourism o DOT Region 2 ang mga mamamayan sa lambak ng Cagayan na tangkilikin muna ang mga pook pasyalan sa rehiyon bago magtungo sa ibang lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Troy Alexander Miano, Regional Director ng DOT Region 2 na bago mamasyal sa ibang lugar ay mamasyal muna sa lambak ng Cagayan para makita ang mga tourist destinations na umuunlad na at para matulungan ang tourism industry sa lokalidad.

Bukod dito ay para maipagmalaki sa ibang lugar ang kagandahan ng lambak ng Cagayan.

Kaugnay nito ay patuloy din ang paggawa nila ng Tourism Circuits na makakatulong para mamaximed ang pera ng mga local at foreign tourist.

--Ads--

Sa ngayon ay tapos na ang Nueva Vizcaya habang sa Quirino ay may isa pa.

Sa Cagayan naman ay mayroon ng tatlo habang sa Isabela ay tapos na ang una at may apat pa na susunod nilang ilunsad.

Tuluy-tuloy din ang Filipino brand of service excellence training o hospitality training sa lahat ng sektor para maramdaman ng mga turista ang kakaibang Filipino hospitality.

Sinusuportahan naman nila ang mga nagaganap na festival na tinatawag nilang cultural tourism gayundin ang mga artist sa rehiyon dahil ang mga gawa nila ay hindi lamang pwedeng pagkakitaan kundi sumasalamin sa tradisyon na pamana, sining at kultura ng isang lugar.