CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Department of Tourism (DOT) Region 2 na maisususlong nila ang mga katangi-tanging tanawin at tourist destination sa lambak ng Cagayan sa bagong Campaign Slogan ng ahensya na “Love the Philippines”.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Dr. Troy Alexander Miano, sinabi niya na napapanahon at napakaganda ang kanilang bagong Campaign Slogan na nagpapakita ng pagmamahal sa sariling atin na ginamit na mekanismo sa pagsusulong ng turismo ng Pilipinas.
Aniya, dalawang taon na nalugmok ang Pilipinas dahil sa pandemya na nagresulta sa pagbagsak ng turismo ng bansa kaya napapanahon para sa kanya ang bagong DOT Slogan na inaasahang magpapataas ng tourist arrival sa lambak ng Cagayan.
Sa ngayon ay tinutuutkan na ng DOT ang pagdevelop at pagpapaganda sa mga local tourist destination na kanilang idinadagdag sa tourism circuits kabilang ang ilang mga bagong tuklas na tourism sites sa Cagayan, Quirino, Nueva Vizcaya, at Isabela.
Tampok sa tourism circuit ng Northern Isabela ang mga herritage sites kabilang ang Sta. Maria, Cabagan, Tumauini, City of Ilagan, Gamu, Cauayan City, Alica, at Angadanan habang sa south ay binubuo ng Cordon, Santiago City, San Agustin, Echague, Ramon at Jones.
Tinig ni Dr. Troy Alexander Miano.