--Ads--

Bumuo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Task Force Kontra Baha upang palakasin at gawing tuluy-tuloy ang paglilinis ng mga daluyan ng tubig sa buong bansa bilang solusyon sa paulit-ulit na pagbaha.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, nilikha ang task force sa pamamagitan ng special order na nilagdaan noong Enero 14 at pamumunuan ni Undersecretary Charles Calima Jr. Ipapalaganap din ito sa lahat ng 177 regional offices ng DPWH.

Makikipagtulungan ang task force sa MMDA, DENR, DILG, at pribadong sektor upang ipatupad ang nationwide waterways clearing at cleaning operations.

Binigyang-diin ni Dizon na alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., partikular para sa Metro Manila, Metro Cebu, at Bacolod City.

--Ads--

Kabilang sa mga hakbang ang paglilinis ng estero, dredging, desilting, at pag-alis ng mga bara sa drainage systems, pati na ang pagbabaklas ng ilegal na istruktura sa mga daluyan ng tubig.

Layunin ng Oplan Kontra Baha na gawing mas ligtas ang mga komunidad at mabawasan ang panganib ng pagbaha sa bansa.