--Ads--

Ipinag-utos ni DPWH Secretary Vince Dizon ang agarang pagtatayo ng detour bridge sa Piggatan, Alcala, Cagayan matapos ang pagbagsak ng tulay kamakailan.

Ginawa ang utos matapos ang personal na inspeksyon ni Dizon sa lugar ngayong Oktubre 8, 2025. Inatasan niya ang DPWH Region 2 na matapos ang proyekto sa loob ng dalawang buwan upang mapagaan ang biyahe at pagdadala ng mga produkto.

Nakipagpulong din si Dizon kina Governor Edgar Aglipay, Mayor Tin Antonio, at DPWH Regional Director Mathias Malenab upang pag-usapan ang mga hakbang para sa kaligtasan ng limang kritikal na tulay sa lalawigan.

Kabilang sa mga plano ang mas mahigpit na traffic management at monitoring ng load limit ng mga sasakyan. Inirekomenda rin ni Aglipay ang paggamit ng Port Irene sa Sta. Ana para sa mas mabilis na pagluluwas ng essential goods na isang mungkahing suportado ni Dizon at inaasahang tatalakayin kasama ang DOTr.

--Ads--

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang buong suporta para sa agarang pagsasaayos ng tulay.