--Ads--
Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Lunes na nagsumite sila ng karagdagang pangalan ng mga high-profile na indibidwal sa Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control projects sa Bulacan at Davao Occidental.
Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, inaasahan na magkakaroon ng opisyal na anunsyo mula sa Ombudsman ngayong linggo.
Dagdag niya, may plano rin ang DPWH na magsumite ng isa pang manifestation para sa kaso sa Cebu.
Patuloy naman ang koordinasyon ng DPWH sa Ombudsman sa imbestigasyon ng mga anomalya sa flood control projects.
--Ads--











