CAUAYAN CITY – Sumampa na sa P28 million ang naitalang pinsala sa imprastraktura sa Lalawigan ng Batanes dahil sa pananalasa ng Bagyong Julian.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Maricel Asejo ng DPWH Region 2 sinabi niya na sumampa na P28 million ang total cost ng napinsalang imprastraktura dahil sa pananalasa ng bagyong Julian sa Lalawigan ng Batanes.
Sa isinagawa nilang monitoring maraming mga daan ang binaha kaya agad na nagkasa ng clearing operations ang DPWH Batanes at sa kasalukuyan ay isang kalsada na lamang ang nanatiling one lane passable kabilang na ang isang tulay.
Magpapatuloy ang kanilang assessment para sa kinakailangang pondo para sa pagsasaayos ng mga naapektuhang road networks.
May mga napaulat ding pinsala sa Calayan, Cagayan subalit hanggang ngayon ay wala pang nakakarating na ulat sa kanilang tanggapan.