--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 2 ang deployment ng mga tauhan at kagamitan habang pinaigting pa ang paghahanda sa Super Typhoon Betty.

Bilang pagsunod sa tagubilin ni DPWH Secretary Manuel Bonoan kay OIC-Regional Director Reynaldo Alconcel at sa mga District Engineering Office ay nag-set up na ng prepositioned Quick Response Asset (QRA) sa 32 strategic areas sa buong Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Public Information Officer Wilson Valdez ng DPWH Region 2 na ang prepositioned QRA ang tutulong para sa mga highway clearing operations na ilalagay sa kahabaan ng mga pambansang kalsada na pangungunahan ng maintenance team ng DPWH 24/7.

Naka-stand-by din ang mga kagamitan at service vehicle para magbigay ng agarang tulong sa mga residente para sa rescue operations.  

--Ads--

Ang prepositioned QRA ay naka-standby na sa limang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino at Batanes.

Nakapreposition na rin ang mga personnel at mga kagamitan ng DPWH Region 2 na nakahandang tumugon sa ano mang idudulot ng bagyo.

Pangunahin din nilang babantayan ang mga lugar na mayroon ng mga nagaganap na landslide at pagbaha.

Tinig ni Information Officer Wilson Valdez.