--Ads--

CAUAYAN CITY- Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kayang tapusin sa loob ng apat na taon ang konstruksyon sa bagong Alicaocao Bridge na matatagpuan sa Brgy. Mabantad, Cauayan, City.

Ayon sa pahayag ni Engr. Clinton Pagunuran, project Engr. DPWH Regional Office 2, sa ginanap na groundbreaking ceremony ng Alicaocao bridge, sinabi niya na walang magiging problema sa konstruksyon basta may pondo.

Ibinahagi pa ni Engr. na mayroong 541 meters na haba ang gagawing tulay at hindi pa kabilang dito ang approach. Mayroon namang 700 meters ang gagawing farm to market road na magkokonekta sa tulay at Maharlika Highway.

Ang bridge component aniya ay nagkakahalaga na ng 750 Million pesos kaya hindi malabong aabot pa umano sa 1 Billion pesos ang pondo.

--Ads--

Kung mabibigyan lamang aniya ng sapat na pondo sa bawat taon ay hindi na tatagal pa ang konstruksyon.