Iniluklok bilang bagong Pangulo ng Isabela State University System si Dr. Boyet Batang.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Batang, sinabi niya na labis ang kaniyang pagsasalamat dahil sa ibinigay na pagtitiwala sa kaniya ng lahat ng mga bumubuo ng Isabela State University System bilang bagong Pangulo ng pamantasan.
Sa board meeting na isinagawa kahapon, ika-20 ng Marso sa Zen Hotel, Santiago City, naganap din ang pagpili ng para sa naturang posisyon kung saan nakuha ni Dr. Boyet L. Batang, Doctor of Philosophy (PhD), ang pinakamaraming boto.
Sa ilang taong paninilbihan umano ni Dr. Batang sa pamantasan bilang imcumbent vice president for academic affairs, ay nagpamalas ito ng maaayos na pamumuno at dedikasyon sa kanyang trabaho.
Aniya, ang paghalal sa kaniya ay nakasaad sa Republic Act 8292 o Higher Modernization Act of 1987.
Nakasaad dito na anim na buwan bago matapos ang termino ng kasalukuyang Pangulo ng isang Pamantasan ay kailangan magsagawa ng search committee for president na ginawa ng Board of Regents.
Ang guidelines at criteria ay alinsunod sa CHED memorandum order number 7 series of 2022 bago isagawa ang public forum.
Bumuo ng transition team si Dr. Ricmar Aquino para sa transition o pagpapalit ng liderato bago siya maupo bilang bagong presidente ng ISU System sa May 19, 2025.
Aniya bilang bagong University President nais niyang isulong ang adhikain na ang ISU na maging Modern Smart Green University with the Global Reputation for Positive Sociatal Transformation.
Makakamit lamang ito sa pamamagitan ng kanilang Smartest Strategic Goals and objectives kung saan sa ginanap na forum ay iminungkahi niya na palakasin ang quality ng currecular programs, modernization of student service, quality welfare for all academic cliantels, Advance Internationalization, Industry Community Allumni University Partnership Efforts for Academic and Organizational Programs, at Revitalize Efforts in Smart Green Branding kaugnay sa research extention instruction culture,maging expantion ng extention works for community engagement and community empowerment, Transform governance in transparency.
Ayon kay Dr. Batang mananatili ang misyon ng ISU Sytem na mag develop ng lifelong future ready professionals, generators of knowledge and edges of positive change.