Pinarangalan si Dr. Rogelio Florete, Chairman ng Florete Group of Companies, bilang isa sa 2025 Captains of the Industry.
Iginawad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Iloilo Chapter ang naturang parangal kay Dr. Florete sa isang seremonyang idinaos sa Iloilo Convention Center, kaugnay ng pagdiriwang ng PCCI 120 Years of Iloilo Chamber Movement.
Si Dr. Florete ay kabilang sa 12 Ilonggo entrepreneurs na pinarangalan dahil sa malaking ambag niya sa industriya ng media at sa pagpapalago nito hindi lamang sa Iloilo kundi maging sa iba pang bahagi ng bansa, pati na sa pagbibigay ng hanapbuhay sa mga Ilonggo at mga Pilipino.
Sa isang panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Engr. Fulbert Woo, pangulo ng PCCI Iloilo, na kabilang si Dr. Florete sa mga business leader at founder na may mahalagang papel sa pagbubukas ng mga oportunidad pang-ekonomiya at sa pagbibigay ng sapat at de-kalidad na trabaho.
Ayon sa kanya, ang pagkilala kay Dr. Florete at sa iba pang 2025 Captains of the Industry honorees na itinuturing na pinakamataas na parangal para sa mga transformative business leader, ay patunay ng kanilang dedikasyon sa kani-kanilang industriya at sa pagsusulong ng positibong mga halaga sa komunidad at sa bansa.
Kabilang sa iba pang 2025 Captains of the Industry honorees ang mga sumusunod:
- Emil Anthony Po – Agrikultura
- Dr. Mary Lou Lacson-Arcelo – Edukasyon
- Raymundo Robles – Food Services
- Tomas Tan – Hardware
- Dr. Vicente Villareal – Healthcare
- Romeo Go – Hospitality
- Alfonso Uy – Manufacturing
- Dr. Rogelio Florete – Media
- Bernadette Tiu – Real Estate
- Jan Andrew Po – Transportasyon
- Posthumous: Rodolfo Tiu – Wholesale
- Posthumous: Que Hua Pho – General Merchandise





