--Ads--

CAUAYAN CITY- Unti- unting isinasaayos ang drainage canals sa Cauayan City New Public Cemetery bilang tugon sa problema sa pagbaha tuwing umuulan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Councilor Rufino Arcega, sinabi niya na tuloy tuloy ang pagsasaayos ng New Public Cemetery.

Aniya, dahil sa mga naranasang pag-ulan ay madalas na nababaha ang ilang bahagi ng puntod sa nasabing sementeryo sa Barangay San Francisco.

Sa privilege speech ng konsehal ay ito ang isa sa kanyang mga ipinunto na agad namang inaksyunan ng Pamahlaang Panlunsod kaya mabilis na naisaayos ang mga drainage canal sa ilang bahagi ng sementeryo para mapigilan ang pagbaha.

--Ads--

Hiningi naman niya ang pangunawa ng mga Cauayeño dahil ang kabuuang execution sa plano para sa sementeryo ay maisasakatuparan sa taong 2025.