--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang tsuper sa isinagawang drug buy bust operation sa Purok 7, Rizal, Santiago City.

Ang inaresto ay si Noel Baldovino, 43 anyos, may asawa at residente ng purok singko, barangay Rizal, Santiago City.

Ang operasyon ay pinangunahan ni P/Chief Inspector Rolando Gatan, Station Commander station 2 katuwang ang PDEA Region 2.

Nabili kay Baldovino ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ng pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng Php500,00 na marked money.

--Ads--

Kakasuhan ang suspek ng kasong paglabag sa Republic act 9165 (comprehensive dangerous drugs act of 2002)