--Ads--

CAUAYAN CITY- Dumulog sa Cauayan City Police Station isang tsuper ng jeep matapos mawala ang perang pantubos sa isinanlang lupa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Roger Omnes, 49 anyos at residente ng Tagaran, Cauayan City na bumibili lang siya ng barbecue at nagparada sa harapan ng isang bangko sa Cabatuan Road.

Pagkatapos nito ay nakatulog siya at nang magising dakong hatinggabi ay wala na ang kanyang pera na Php42,000.00 na nakalagay sa kanyang bag.

Umaasa si Omnes na makikita sa CCTV ng bangko ang kumuha sa kanyang bag.

--Ads--

Bago siya natulog ay mayroon umanong tatlong lalaki na aali-aligid sa kanya.