--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahaharap ngayon sa kasong grave threat at paglabag sa Republic Act 10591 (comprehensive firearms and ammunition regulation act) ang isang lalaking nanutok umano ng baril sa dalawang tao sa forest region terminal sa San Fermin, Cauayan City.

Ang suspek ay si Lawrence Padua, 18 anyos, binata, tsuper at residente ng Barangay Nagrumbuan, Cauayan City.

Ang mga biktima ay sina Rowena Francisco, 23 anyos, saleslady, at residente ng Buenavista, Angadanan, Isabela at si Jomelvin Hermoso, 27 anyos , self-employed, at residente ng Capirpiriwan, Cordon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station, nag-iinuman umano ang suspek kasama ang kanyang mga kaibigan sa isang Videoke Bar.

--Ads--

Matapos makaubos ng ilang bote ng alak ay lumabas umano ang suspek at kinuha ang homemade shotgun sa kanyang tricycle.

Matapos nito ay tinawag umano niya si Rowena at saka sinampal at tinutukan ng baril.