--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang tsuper ng motorsiklo matapos maaksidente sa Barangay Galima, Solano, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang naaksidente na si Jolie Ramos, 40 anyos, at residente ng Lactawan, Solano, Nueva Vizcaya.

Lumabas sa pagsisiyasat ni PO1 Joseph Louis Macaso ng Solano Police Station na si Ramos ay sakay ng kanyang motorsiklo at mabilis na binabagtas ang daan nang hindi makontrol ang manibela sa pakurbadang daan.

Dahil walang suot na helmet ay nabagok ang ulo ng biktima sa sementadong bakod ng daan bago tumilapon sa palayan..

--Ads--

Dinala si Ramos sa pagamutan subalit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.