--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang tsuper ng motorsiklo habang sugatan ang kanyang backrider matapos sumalpok sa kasalubong na van sa pambansang lansangan sa barangay Quirino, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ang nagmamaneho ng motorisklo ay si Balong Versoza, nasa tamang edad habang ang kanyang back rider ay si Efren Sanchez, 21 anyos, magsasaka, kapwa residente ng Nangalisan, Bagabag, Nueva Vizcaya

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PO3 Jayson Naval, tagasiyasat ng Bagabag Police Station bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang van na may plakang WNV824 na minamaneho ni Benson Talango, dalawampu’t pitung taong gulang, may-asawa at residente ng Poitan, Banaue, Ifugao.

Anya ang motorsiklo ay binabagtas ang pambansang lansangan patungong Bagabag Town proper nang pagdating sa pakurbadang daan ay umagaw ng linya ang motorsiklo sanhi para mabangga ng sasakyan na minamaneho ni Talango.

--Ads--

Nagkaroon ng head on collision ang motorsiklo at van sanhi para magtamo ng sugat sa mga katawan si Versoza at kanyang back rider na si Sanchez.

Kaagad dinala sa pagamutan ang mga sakay ng motorsiklo ngunit idineklarang dead on arrival si Balong Versoza

Ang tsuper na si Talango ay dinala sa Bagabag Police Station para sa kaukulang disposisyon.