--Ads--

CAUAYAN CITY -Nahirapan ang mga kasapi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na apulahin ang nasusunog na bahay sa barangay Mambabanga,Luna, Isabela na ikinamatay ng isang tao.

Ang nasawi ay si Francisco Blanco Jr.,41 anyos, isang tsuper na residente ng Mambabanga,Luna, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng kapitbahay ng biktima na napansin niya ang makapal na usok kaya’t dali dali siyang nagpunta sa harapan ng bahay na nasusunog upang gisingin ang biktima dahil alam niyang natutulog pa rin.

Sinikap ng mga kapitbahay na tulungan ang biktima at inakyat ang nakasaradong gate at minaso ang pintuan ng bahay subalit malaki na ang sunog kayat hinintay na lamang ang pagdating ng mga bombero na kanilang tinawagan.

Bahagyang natupok ng apoy ang bahay maging ang mga kagamitan sa loob ng bahay.

--Ads--

Nahirapan ang mga bombero na pasukin ang bahay dahil nakasarado ang gate nukod pa sa malaki na ang apoy sa kanilang pagdating.

Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang mga kasapi ng BFP at maging ng Scene of the Crime Operatives ( SOCO ) sa nasabing sunog.