--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang drayber matapos bumaliktad madaganan ng bumaliktad na armored van sa national highway sa Del Pilar, Alicia, Isabela.

Ang biktima ay si George Managuelod 39 anyos, residente ng Calaccab, Angadanan, Isabela habang hindi naman nasugatan ang tatlong kasamang guwardiya na sakay ng armored van.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Alejandro Alindayo,isa sa tatlong guwardiya na kasama ng biktima, patungo sana sila sa isang bangko sa Alicia, Isabela ngunit iniwasan umano ang isang kotse kaya bumaligtad.

Kasabay ng pagbaliktad ng sasakyan ay nadaganan ang biktima na nagsahi ng kanyang kamatayan.

--Ads--