--Ads--

CAUAYAN CITY- Matagumpay na nadakip ng mga otoridad sa ikinasang anti-illegal drug operation ang isang driver sa Brgy. Barucboc, Quezon, Isabela.

Ang pinaghihinalaan ay si alyas “Junie” na residente sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ayon sa mga otoridad habang sila ay nagsasagawa ng patrolya sa kanilang nasasakupan ay nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang empleyado ng isang warehouse sa nabanggit na lugar na di umano’y may kasalukuyang nagaganap na paggamit ng illegal na droga.

Agad namang umaksyon ang mga kapulisan at pinuntahan  ang nasabing warehouse at doon ay naaktuhan nila ang nasabing suspek na gumagamit ng illegal na droga na naging dahilan ng kanyang pagkaaresto.

--Ads--

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, dalawang nagamit na aluminum foil at isang lighter.

Isinagawa naman ang masusing imbentaryo at pagmamarka ng mga nakumpiskang mga ebidensiya sa lugar na pinangyarihan.

Sa ngayon, ang nasabing suspek maging ang mga nasamsam na mga ebidensya ay dinala sa himpilan ng Quezon Police Station para sa dokumentasyon.