--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang driver at helper ng isang trailer truck matapos bumaliktad sa kahabaan ng national highway sa Villarose, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ang mga namatay ay sina Richard Evangelista, 32 anyos, may-asawa driver ng trailer truck, residente ng Urbiztondo, Pangasinan at ang helper na si Genaro Dizon, 20 anyos, binata at residente Guimba, Nueva Ecija

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Ferdinand Laudencia, hepe ng Bagabag Police Station na lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na mechanical error ang sanhi ng pagbaliktad ng trailer truck.

Ang trailer truck ay galing sa Nueva Ecija may sakay na 800 sako ng feeds at idedeliver sana sa Echague, Isabela ngunit nang makarating sa pakurbadang daan sa bahagi ng Bagabag ay nawalan ng break ang manibela at bumangga sa isang konkretong pader at dahil sa lakas ng impact ay bumaliktad sanhi para maipit ang dalawang biktima na nagsanhi ng kanilang kamatayan.

--Ads--