--Ads--

Nagpaticket na ang driver ng convoy na sakay umano si Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Marbel matapos na dumaan sa EDSA Bus way.

Kinumpirma ni PNP spokesperson Brig. General Jean Fajardo na mga matataas na opisyal ng kapulisan ang sakay ng convoy.

Hindi na lamang nito binanggit ang pangalan ng mga opisyal para na rin sa kanilang kaligtasan.

Patungo aniya sa Camp Crame ang convoy dahil sa mayroong closed-door meeting na isasagawa kung saan kailangan ang presensiya ng mga matataas na opisyal.

--Ads--

Dagdag pa nito na matapos na maihatid ang mga opisyal ng PNP ay bumalik ang driver convoy at sila ay nagpaticket sa Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT).