--Ads--

Driver ng dating Mayor sa Isabela, nadakip sa drug buy bust operation

CAUAYAN CITY- Nadakip ang tsuper ng dating Punong-Bayan ng Dinapigue, Isabela sa isinagawang drug buy bust operation ng mga kasapi ng Ilagan City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

Ang dinakip ay si Jerwin Adaya, 43 anyos, nakatala sa PDEA Drug Group at nasa High Value Target, residente ng Purok 7 Guibang, Gamu, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Supt. Ariel Quilang, hepe ng Ilagan City Police Station na nasamsam sa suspek ang Isang sachet ng hinihinalang shabu, P1,000.00 buy bust money, 5 piraso ng isang libong pisong boodle money, isang Cal. 45 baril, isang 9MM pistol, magazine na naglalaman ng apat na bala at isang extra magazine para sa Cal. 45 baril na may 10 bala, cash na P/10,000.00 at dalawang unit ng cellphone.

--Ads--

Inihayag pa ni Supt. Quilang, na si Adaya ay kasalukuyang tsuper ni Dating Mayor Angelo Bernardo ng Palanan, Isabela at dating kawani ng LGU Palanan.

Bukod sa paglabag sa republic act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ay kakasuhan din ng paglabag sa Republic Act 10951 makaraang masamsaman ng dalawang baril at mga bala si Adaya.