--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang tsuper ng isang motorsiklo na nasagasaan ng sumusunod na Florida bus matapos biglang magpreno at matumba dakong 11:35 kagabi sa Maharlika Highway sa Guibang Gamu, Isabela.

Ang tsuper ng bus ay si Rodel Bumagat, 42 anyos, may-asawa at residente ng Binarsang, Quirino, Isabela.

Ang nasawi na tsuper ng isang Rusi motorcycle na walang plaka ay si Mark Vincent Balisi, residente ng Sta. Barbara, Lunsod ng Ilagan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), lumabas sa imbestigasyon ng Gamu Polcie Station na binabagtas ng bus at motorsiklo ang parehong direksiyon  nang bigla umanong magpreno at matumba ang tsuper ng motorsiklo.

--Ads--

Ang biktimang si Balisi ay nabangga ng sumusunod na bus at nagtamo ng malubgang sugat sa katawan. .

Sa pagtugon ng mga kasapi ng DART Rescue 831 ay idineklarang dead-on-the spot ang tsuper ng motorsiklo na si Balisi.