--Ads--

CAUAYAN CITY – Sasampahan ng kaso ang tsuper ng Toyota Fortuner na nakabangga sa kuliglig o handtractor na may trailer at Florida Bus na nagbunga ng pagkasugat ng mahigit 30 na tao sa national highway sa Naganacan, Sta. Maria, Isabela.

| Driver ng kuliglig na sinalpok ng sasakyan sa Cagayan Valley, pumanaw na


Ang driver ng bus ay si Eupiniano Pira, 30 anyos at residente ng Isca, Gonzaga, Cagayan at galing sa Sta. Ana, Cagayan at patungong Metro Manila.

Ito ay tumagilid matapos na pumutok ang gulong nang mabangga ang SUV na napunta sa kabilang lane ng daan makaraang mabangga ang likurang bahagi ng sinusundang kuliglig.

SUV na bumangga sa kuliglig at bus

Ang driver ng Fortuner ay si Jerome Wangdali, 47 anyos at residente Sta. Teresa, Iguig, Cagayan.

--Ads--

Ang kuliglig naman na minaneho ni Bilyo Danga ng Naruangan, Tuao, Cagayan ay patungong Enrile, Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/MSgt, Saldy Babaran, hepe ng Investigation Section ng Sta Maria Police Station, sinabi niya na ang tsuper lamang ng SUV ang sasampahan ng kasong Reckless imprudence resulting in multiple injuries and damage to properties dahil malinaw sa kanilang imbestigasyon na ito ang sanhi ng aksidente.

Isinugod sa mga ospital sa Tuguegarao City ang mga nasugatang pasahero ng bus at mga lulan ng kuliglig.

Ang tinig ni PMSgt. Saldy Babaran

Napag-alaman na walang reflectorized sticker ang kuliglig at posible na hindi ito napansin ng driver ng SUV.