--Ads--

Tuluyan nang sinampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in multiple serious Physical Injuries and damage to properties ang tsuper ng van na nakasagasa sa mga pulis na nagsagawa ng checkpoint sa Minante 2, Cauayan City noong gabi ng ika-20 ng Marso.

Matatandaan na habang nagsasagawa ng checkpoint ang pulisya dakong alas-9 ng gabi ay aksidenteng nabangga ng van ang sinusundan nitong kotse dahilan para maararo ang dalawang pulis.

Nasugatan ang dalawang pulis na kinilalang sina Pat. Jonathan Reyes at PSMS Arvin Gammad kapwa PNP Personnel ng Cauayan City Police Station.

Bukod sa dalawa ay nasugatan pa ang pasahero ng van na dinala rin sa pagamutan.

--Ads--

Sa ngayon ay tuluyan nang nasampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in multiple serious physical injuries and damage to properties ang suspek na si Abel Bugtong, na nakatakda na ring ilipat sa Bureau of Jail and Management Penology (BJMP).

sa inilabas na abiso ng piskalya, mayroong kaukulang pyansa na 120,000 pesos ang suspek para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Batay naman sa huling pag-uusap ng mga biktima at suspek, ipababayad ang kotse na nabunggo nito na nagtamo rin ng malaking pinsala o papalitan ng brand new na sasakyan.