--Ads--

CAUAYAN CITY- nasa pangangalaga na ng Cauayan City Police Station ang tsuper ng motorsiklo na nasangkot sa banggaan na nagbunga ng pagkasawi ng tsuper ng isa pang motorsiklo.

Inamin ng suspek na si Demetrio Baltazar 40 anyos, may asawa, tsuper ng Bajaj motorcycle at residente barangay San Fermin na nakainom ng alak nang mangyari ang aksidente at mabilis din umano ang kanyang patakbo maging ang nasawi na si Alfie Ballares, 23 anyos, binata, tindero, tsuper ng Honda TMX 155, tubong Northern Samar at residente ng barangay Turayong, Caauayan City .

Lumabas sa pagsisiyasat sa Cauayan City Police Station na patungong hilaga si Ballares habang patungong timog si Baltazar.

Nang makarating sa pakurbang bahagi ng lansangan ay nag-overtake si Baltazar sa sinusundang motorsiklo subalit nabangga nito ang motorsiklo na minamaneho ni Ballares at sa motorsiklo na minamaneho ni Johny Catalma Jr. na bumabagtas sa outerlane ng lansangan patungong norte.

--Ads--

Nagtamo ng mga sugat ang tatlong tsuper na agad dinala sa pagamutan subalit idiklarang dead on arrival si Ballares.