--Ads--

Arestado ang isang driver matapos maaktuhan sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Cauayan City Component Police Station (CCCPS) noong gabi ng Abril 1 sa Bypass Road, Barangay San Fermin, Cauayan City.

Kinilala ang suspek na si “Ron,” 40-anyos, may asawa, driver, at residente ng Bayan ng Cabatuan, Isabela.

Ayon sa ulat ng pulisya, nasamsam mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang market value na P1,000. Bukod dito, narekober din ng mga awtoridad ang ilang drug paraphernalia, isang motorsiklo, cellphone, at iba’t ibang dokumento mula sa suspek.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa tamang dokumentasyon at disposisyon, habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.

--Ads--