--Ads--

CAUAYAN CITY – Maaring maipatutupad na sa susunod na buwan dito sa lunsod ng Cauayan ang sampong taong validity ng lisensya o drivers license.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni  Officer in Charge Deo Salud ng LTO Cauayan City na magsisimula na ang pagpapatupad ng 10 years validity ng drivers license ngayong araw sa National Capital Region o NCR at batay sa kanilang natanggap na Memo ng kanilang Punong Tanggapan ay sa ikalabing anim ng Nobyembre ang pagpapatupad dito sa rehiyon dos.

Sinabi niya  na pansamantala pa lamang ang nasabing petsa dahil kung titignan ay wala pa umano sa kanila ang ilang pasilidad na kinakailangan dito.

Ngunit tiniyak nito na ang maari lamang mag-avail ng 10 years validity ng lisensya ang mga walang mga nagawang paglabag sa mga batas trapiko habang sila ay mayhawak ng lisensiya na mayroong 5 years validity dahil nakasaad ito sa Republic Act 10930.

--Ads--

Ang kagandahan naman ng 10-years validity ay mapapahaba ang panahon ng pagpaparenew ng lisensiya.

Ipinahayag pa ni Office-In-Charge Salud sinumang hahawak ng 10 years validity ng Driver’s License ay kailangan pa ring sumailalim sa Periodic Medical Examination sa private medical clinic sa panglimang taon upang malaman ng mga doctor kung may kakayahan pang magmaneho at sa ika-pitong taon ay muling sasailalim sa medical examination.

Nakasaad din sa batas na maaring marevoke o mabawi ng dalawang taon ang lisensya ng isang tsuper kung sakaling makalabag ito ng mga batas trapiko at aabot ng  40 demerit points ang kanyang violation.

Sa ngayon ay hinihintay pa lamang umano nila ang implementing rules and regulations o IRR upang mas maliwanagan at mapag-aralan pa ang naturang batas bago ang tuluyang pagpapatupad  nito.