--Ads--

CAUAYAN CITY- Matagumpay na nabuwag ang isang makeshift drug den sa Santiago City na nagresulta sa pagkahuli ng tatlong indibidwal na itinuturing na High Value Targets (HVTs) sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Unit 2.

S nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kasama sa joint anti-drug operation ang PDEA Regional Office II, Quirino PO, PDEA Kalinga PO, Santiago City Police Office – City Drug Enforcement Unit (SCPO-CDEU), at Santiago City Police Station 1.

Sa operasyon, nakumpiska ng mga awtoridad ang humigit kumulang 9 na gramo ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na may tinatayang market value na Php 61,200.00.

Nakuha rin sa raid ang iba’t ibang drug paraphernalia, dalawang keypad cellphone, cash na nagkakahalaga ng Php 4,850.00 sa iba’t ibang denominasyon, gayundin ang marked buy-bust money.

--Ads--

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.