--Ads--

Matagumpay na nabuwag ng mga awtoridad ang isang hinihinalang drug den at naaresto ang apat na indibidwal sa ikinasang joint buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Quirino Provincial Office, katuwang ang PDEA Cordillera Administrative Region – Ifugao, Santiago City Police Office–Police Station 1, at Santiago City Police Office–City Intelligence Unit sa Purok 2, Barangay Malvar, Santiago City.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, nakumpiska sa lugar ang 17 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 6 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱40,800.00.

Narekober din ang 3 sachet ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana, at isang maliit na brick ng tuyong marijuana na tumitimbang ng humigit-kumulang 180 gramo na may halagang ₱21,600.00.

Bukod sa mga iligal na droga, narekober din sa lugar ang marked money, iba’t ibang drug paraphernalia, at mga cellphone na posibleng ginamit sa ilegal na aktibidad.

--Ads--

Kinilala ni PDEA Regional Office 2 ang mga suspek sa alyas na “Turing,” residente ng Saint James, Batal, Santiago City; “Goryo,” 53-anyos, welder/construction worker na residente ng Purok 2, Barangay Malvar; “Jaime,” 56-anyos, welder din mula sa parehong lugar; at “JR,” 42-anyos taong gulang, laborer at residente rin ng Brgy. Malvar.

Sasampahan ang mga suspek ng mga kasong paglabag sa Sections 5 (Selling of Dangerous Drugs), 6 (Maintenance of a Drug Den), 7 (Employees and Visitors of a Drug Den), 11 (Possession of Dangerous Drugs), at 12 (Possession of Drug Paraphernalia) ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa ngayon ang papatuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung may iba pang kasabwat ang mga naaresto sa operasyon.