CAUAYAN CITY- Isang drug personality ang nadakip sa isinagawang drug buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at Bagabag Police Station.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Oscar Abrogena ang hepe ng Bagabag Police Station, sinabi niya na ang mga nakumpiskang iligal na droga ay nagkakahalaga ng humigit kumulang 20,000 pesos.
Aniya matagal nilang minanmanan ang suspek na mula sa Barangay Tucal, Solano, Nueva Vizcaya.
Sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon ay naikasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip ng naturang drug personality.
Sinubukan ng suspek na bentahan ng isang sachet ng shabu ang pulis na umaktong buyer, ang droga ay may timbang na 3.95 grams at may market value na 26,000 pesos.
Narekober din sa pagiingat ng suspek ang dalawang pakete na nakalagay sa zip lock na naglalaman ng dried marijuana leaves na may timbang na 17.3 grams at nagkakahalaga ng 2,077 pesos, narekober din ang converted plastic pipe at motorsiklo.
Napag-alaman na ang suspek ay dati na ring naaresto ng Solano Police station sa kaparehong kaso.
Sa ngayon ang suspek ay nasa panganaglaga na ng Bagabag Police Station na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
Batay sa monitoring ng pulisya hanggang ngayon may mangilan-ngilan paring drug personalities na dati ng nakulong ang muling bumalik sa dating gawain.











