--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng Station 2 ng Santiago City Police Office (SCPO) na nasa kanilang drug watchlist ang napatay na lalaki matapos umanong manlaban sa isinagawang drug buy-bust operation kaninang madaling araw sa Lunsod ng Ilagan.

Napatay ang suspected drug pusher na si Jayson Yumol, residente ng Santiago City matapos umanong paputukan ang pulis na nagsilbing poseur/buyer sa isinagawang drug buy-bust operation.

Nahalata umano ni Yumol na pulis ang kanyang ka-transaksiyon kaya naglabas ng baril at pinaputukan ang pulis.

Gumanti ng putok ang pulis at tinamaan si Yumol na namatay habang dinadala sa ospital.

--Ads--

Sa nakuhang impormasyon ng Station 2 ng SCPO, si Yumol ay may nakabinbing kaso ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous drugs act of 2002 ).