--Ads--

CAUAYAN CITY – patuloy ang pagsisiyasat ng mga otoridad para malaman ang tunay na pagkakilanlan ng isang drug personality na napatay matapos paputukan ang pulis na nagsilbing poseur/buyer sa isinagawang drug buy-bust operation kaninang madaling araw sa barangay Sto. Tomas, Ilagan City

Ang napatay na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib at noo ay unang nakilala sa pangalang bryan, nasa tamang edad at taga-lalawigan ng Cagayan.

nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalaang shabu, Php2,000.00, Cal. 38 recvolver na may apat na bala at isang basyo ng bala at dalawang piraso ng basyo ng bala ng 9mm.

Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan, sinabi ni P/Supt. Rafael pagalilauan, hepe ng Ilagan City Police Station na nakatunog ang suspek nang magka-abutan na pera sa nagpanggap na poseur/buyer kaya bumunot ng baril at pinaputukan ang pulis.

--Ads--

Gumanti ang pulis at pinaputukan ang suspek na tinamaan ng dalawang bala sa dibdib at noo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.