--Ads--

CAUAYAN CITY – isinagawa ngayong araw ang kauna-unahang Drug Summit sa mga tokhang responders.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt Reynold Gonzales, Police Community Relations Officer ng Quirino Police Provincial Office (QPPO), sinabi niya na kalahok sa Drug Summit ang umaabot sa 1,000 na tokhang responders sa buong lalawigan.

Katuwang nila sa pagdaraos ng Drug Summit ang regional director at provincial director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) gayundin ang Public Employment Service Office (PESO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at mga empleado ng Rural Health Unit (RHU) ng iba’t ibang bayan ng Quirino.

Bukod sa Drug Summit ay ginanap din ang sports olympics para sa mga tokhang responders.

--Ads--

Ang mga tokhang responders sa bawat bayan ng Quirino ay bumuo ng team at tinuruan sila ng search and rescue operation, basic life support at first aid.

Ang mga nanalo sa Quirino ay ilalaban sa regional level.

Ayon pa kay PCpt Gonzales, pagkatapos ng Drug Summit ay naideklarang drug cleared ang Aglipay, Cabarroguis, Maddela at Nagtipunan, Quirino.

Ang tinig ni PCpt Reynold Gonzales