--Ads--
CAUAYAN CITY- Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang isang drug surrenderer na nagsanhi ng kanyang kamatayan sa San Mariano, Isabela.
Ang biktima ay si Carlito Julian Agustin, 30 anyos, residente purok 4, Santa Felomena, San Mariano, Isabela
Nakita ang bangkay ng biktima sa manibela ng kanyang tricycle na nasa gilid ng daan.
Nagtamo ng tama ng bala ng Cal. 45 baril sa ulo si Agustin na nagsanhi ng kanyang kamatayan.
--Ads--
Si Agustin ay isang drug surrenderer noong July 12, 2016 sa kategoryang pusher .
Nagsagawa ng pagsisiyasat ang Scene of The Crime Operatives( SOCO ) Ilagan City habang isinasailalim sa Post Mortem Examination ang biktima ni Dr. Candido Ragasa, Rural Health Physician ng Municipal Health Office ng San Mariano, Isabela.




